May pa-webinar ang DepEd para sa mga empleyado nito na tatalakay sa financial wellness.
Ayon sa DepEd, ang webinar ay bahagi ng kanilang Stronger From Home program bilang tugon sa COVID-19 pandemic na naglalayong isulong ang overall well-being ng kanilang mga tauhan.
Pangungunahan ang mga webinars ng mga kilalang financial experts sa Pilipinas na magbabahagi ng kanilang mga kaalaman sa personal finances, investments, at electronic transactions.
Kabilang dito sina Bb. Salve Duplito na tatalakay sa Financial Planning in Times of Pandemic sa darating na June 17, G. Randell Tiongson tungkol naman sa Investing in Times of Pandemic sa June 24, at Bb. Anna Lissa Racines tungkol naman sa ePayments and Online Banking sa July 1.
Ang Employee Welfare Division ng DepEd ang nag-organisa ng mga webinar sa pakikipagtulungan ng BPI Foundation, Inc at ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Popular
-
For SY 2020-2021, performance of teachers shall be rated based on Memorandum DM-PHROD-2021-0010 or the Guidelines on the Implementation of...
-
DepEd ORDER No. 14, s.2O21 GUIDELINES ON THE CANCELATION OR SUSPENSION OF CLASSES AND WORK IN GOVERNMENT OFFICES DUE TO TYPHOONS, FLOODING,...
-
Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at iba pang kawani na kailangan pa ring sundin ang walong oras na trabaho sa ...